top of page
Search

Interventions

  • Writer: mtbmle researchers
    mtbmle researchers
  • Jun 4, 2022
  • 16 min read

Updated: Jan 24, 2023

There have been numerous challenges since the Implementation of the MTB-MLE policy in the Philippines. Starting from the lack of materials written in the mother tongue, the unfamiliarity of terms used in modules, and the discrepancy of contents in the learning materials. These are some of the challenges in implementing the said program. And, as a result of the pandemic that has afflicted the country until now, the challenges have expanded to the new method of learning known as distance learning.


Below are some of the Interventions that can help to improve the Implementation of the MTB-MLE in distance learning.


ree

1. Improving and providing adequate learning materials.

Materials are the most important resources for distance learning. It will serve as a tool so that teachers can effectively deliver the lessons, for learners to be able to learn independently and an aid in providing an adequate knowledge for their learning needs. Hence, it is suggested that learning materials should be in a form that can please the eyes of the learners so that they will be more enthusiastically engaged in the learning. As cited by Schroeder (2021), a person can learn more and retain knowledge once the pictures and words are combined. Additionally, it can help learners to develop their visual literacy skills and enhance understanding of the lesson. This will be much better than providing learners a plain text and lengthy materials.

Being creative and resourceful are essential skills to improve further the learner materials provided to the teacher. A teacher may contextualize the lesson that would meet the learning objectives and efficiently aid learners in achieving those. Creativity is an essential factor to deliver an effective instruction. This includes going beyond traditional and giving learners a motivation to learn. Resourcefulness is also a much needed skill given that the challenges are usually lacking in materials. Hence, a teacher should find a way to overcome this shortcoming and provide learners with the materials necessary for their learning.

However, a teacher is not the only responsible for successful implementation of MTB-MLE policy. Materials that are provided to teachers must also be adequate to be contributed to the learners. There should be professionals who will develop the learning materials to ensure that these are adequate and appropriate for the learners. This can also lessen the work assignment of the teachers and allows them to focus more on how they can facilitate learning.


ree

2. Employing different strategies to help learners learn effectively.

Strategies are an essential part of the instructional process. For teachers, these are to make sure that goals for teaching and learning will be achieved and to address the varieties of needs in facilitating learning. Employing multiple strategies to the teaching-learning process can increase learner's active engagement and be able to meet the desired outcome for the learners. However, as Mawer (1997) stated that there is no best strategy for any teaching style in the spectrum of teaching. So, it is up to the teachers how their teaching will be more effective to the learners. Nonetheless, the following are the suggested strategies to help learners learn effectively.

First, summer reading classes. Since the goal of the MTB-MLE policy is to address the high functional illiteracy and the common problem are learners who are non-readers, this would be a commendable strategy to help the learners develop literacy skills and give enough time to allow them to learn reading and significantly with comprehension. A summer reading class is also an opportunity for teachers to know learners more, assess their skills, and an opportunity for learners to master the skills they need to advance to the next grade level.

Second, incorporate bridging. Bridging means using different languages by translanguaging to enrich learners’ understanding of the lesson and expose them to different languages. This can also allow learners to learn the language they find difficult by utilizing the language that is known to them. Third, direct explicit teaching which is commendable for teaching learners directly the knowledge and skills they need to learn. An explicit demonstration from a teacher may avoid confusion for learners and make sure that they are learning the right way.

Lastly, a program called ABC+ (Advanced Basic Education) must be continually implemented to help learners improve learning outcomes and develop the necessary skills. However, with these suggested strategies, there may be some that will not work for other classes, hence a teacher must be aware of his/her learners, the learning needs, and the gaps to be filled in. A teacher must continually explore strategies they can use for their learners to achieve the learning objectives and ensure efficient teaching.



ree

3. Involvement of parents.

As the education system has shifted to modular distance learning wherein there will be no interaction between teachers and students, therefore the active engagement of the parents will be more essential for the learners learning process. The teacher's responsibility will be taken over by the parents such as guiding and facilitating how these learners are able to learn without the presence of their teachers. As Lebaste (2020) said, parents will now be responsible for the learning experience of the learners as they will be the ones to help in the modular lesson of their children.

Parents have a huge role in a child's education. The more the parents are involved, the greater the chance of their success in learning. Parents provide the environment for their children, and their home serves as the foundation of their first language. Thus, parents must introduce to their child their native language, especially now that the Philippines have implemented the MTB-MLE policy where the local mother tongues are used as the primary language of teaching from Kindergarten to year three (K-3).

For parents, they must be knowledgeable about the impacts of learning the native language. We must be reminded that a person's native language is critical in developing their identity since it fosters self-awareness that they belong to a certain society. And research shows that mother-tongue increases a learner's linguistic ability, learns more academic content, improves their English proficiency, and has well-developed identities and self-esteem. Parents can support their children in learning their mother tongue by exposing them to it. If their native language is Bikol-Legazpi, for example, casually converse with them in that language, have them watch local television shows or films, and encourage them to read Bikol-Legazpi books if they are available. These are some things we can do as parents, as we are one of those people who can successfully contribute to their education.

For the teachers, they should reach out to parents and help them understand their responsibilities and strengths in this new mode of learning. Encourage the parents to work together with them so that a parent can work on their weaknesses (if there are some) and be able to support their child's learning.


ree

4. Maximize the use of technology.

As face-to-face classes shifted to distance learning that limits personal interactions between teachers and learners, there has been a heavy reliance on technology for the continuity of education. Teachers shifted to virtual classrooms and incorporated technology in the teaching and learning process. It includes sending materials such as educational videos and other learning materials via different platforms (Google Classroom, Messenger, Email, Facebook, etc.) These can help learners to achieve learning even when they are in their respective homes. Teachers should become more creative and advanced because learners are now more exposed to technology. As recommended by Alea et.al (2020), technology integration in the lesson will be beneficial for the teaching-learning such as presenting in audio, printed, or visual but it should be monitored based on conducive learning time.

This intervention can encourage the learners to engage with learning and improve retention. Given now that children are fond of technologies, it would be commendable to use a tool to aid the learning of the students. A teacher may use a video that is pleasing and informative for the learners. A teacher may also provide them with colored and clear e-learning materials for the learners to avoid confusion for them and will encourage them more to use the material. However, it is important to take note that integrating technology must serve a purpose and not only for the sake of merely using it. The technology used in instruction must help the learners achieve the learning outcomes and also be able to help develop the necessary skills. In addition to that, the technology that will be used should be accessible and convenient on the learners’ end. As a teacher, one has to consider that technology is appropriate for the learners and for the learning objectives that are set.

Furthermore, technology is a useful tool for communicating with parents. Parents will be informed about their children's education, including their performance and any shortcomings that need to be addressed. On the other hand, teachers may benefit from knowing how students are working at home now that they have access to a new mode of instruction.

Certainly, technology can aid stakeholders in the MTB-MLE policy implementation in collaborating, addressing learning needs, and improving learning outcomes.


ree

5. Providing training and seeking assistance for the improvement of knowledge and skills.

In Bronfenbrenner’s Ecological System theory, a teacher who belongs to a microsystem plays an important role in fostering and supporting the development of the learners (Guy-Evans, 2020). Thus, a teacher must be equipped with the knowledge and skills in order to teach efficiently and effectively. One way to gain these essential factors for teaching is for teachers to undergo training. On that note, it needed the support from the stakeholders to provide them with adequate training for the improvement of their knowledge and skills which in turn can contribute to their successful implementation of the program.

Training, workshops, seminars, all these can help teachers build a strong foundation for teaching. Lifelong learning is vital for teaching, and according to Albor et. al (2021), teachers need to continually learn and update their skills. This is significant to address the demands in new educational modality and adapt to its changes. Additionally, training must comprise hands-on activities that can be used in the new modality of learning. Whereas, seminars and training can also develop teachers holistically so that it would have a positive effect when they are fully equipped with the knowledge and skills for the betterment in implementing the MTB-MLE.

Aside from the training and seminars that should be provided to the teachers, there should also be assistance from colleagues who are experienced in the field or individuals who are proficient in a particular language. They are called MKO or more knowledgeable others, which according to Vygotsky, they are individuals who are skilled and have a better understanding of the subject matter. There are teachers who are struggling and have difficulties in translating because the terms sometimes are unfamiliar to them, difficult to understand, or not usually used in daily terms. Hence, a suggested intervention here is to seek assistance from a more capable and qualified person to give support. A teacher may ask them how a particular language works, a particular word is read and spelled, or what other terminologies can be used as a replacement for a complicated term for better understanding.

Thus, as mentioned above, support from stakeholders and assistance from a more qualified and experienced individual is valuable for teachers' development. This can help them improve the implementation of the MTB-MLE policy and successfully facilitate learning.



FILIPINO TRANSLATION


Sa pagpapatupad ng patakaran ng MTB-MLE sa Pilipinas, masasabing marami ang mga naging hamon ang patuloy na kinakaharap nito. Ito ay ang kakulangan ng mga materyales na nakasulat sa katutubong wika, ang hindi pamilyar na mga terminong ginamit sa mga modyul, at ang pagkakaiba ng mga nilalaman ng mga materyales sa pag-aaral. Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas sa mga hamong patuloy na kinakaharap sa pagpapatupad ng patakarang MTB-MLE sa Pilipinas. At bilang tugon sa naging resulta ng pandemyang patuloy na kinakaharap ng bansa, ang mga hamong ito ay lumawak hanggang sa bagong sistema ng pag-aaral sa bansa na kilala bilang distance learning.


Ang mga sumusunod ay ang mga paraan upang matugonan at mapabuti ang pagpapatupad ng MTB-MLE sa distance learning.


1. Pagpapabuti at pagbibigay ng sapat na materyales sa pag-aaral. Ang mga materyales sa pag-aaral ang isa sa mga importanteng bagay sa panahon ng distance learning. Sapagkat, ito ang magiging instrumento ng mga guro upang maayos at matiwasay na maibigay ang mga kaalaman na nararapat sa mga mag-aaral, ito ang magbibigay daan sa mga mag-aaral patungo sa kakayanang matuto ng mag-isa. Kung kaya’t, iminumungkahing gawing kaakit-akit sa mga mata ng mga mag-aaral ang nilalaman ng mga materyales na gagamitin ng mga mag-aaral, upang mas maging ganado at sabik sa pag-aaral ang mga bata. Nabanggit ni Schroeder (2021), na mas natututo at tumatagal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga kaalaman kapag ang imahe at mga nababasang salita ay magkasama sa mga materyales sa pag-aaral. Bukod pa rito ay makatutulong ito sa pagbuo at mapabuti ang kanilang kasanayan sa visual literacy at mapaunlad ang kanilang mas maiintindihan ang mga aralin. Karagdagan pa rito ay, mas mabuti ito kumpara sa mga mahahaba at mga simpleng mga materyales sa pag-aaral. Ang pagiging malikhain at mapamaraan ang ilan sa mga mahahalagang kasanayan para mas mapabuti ang mga materyales na ibinibigay sa mga guro.

Ang isang guro ay maaaring mag-contextualize ng mga aralin na makakatulong sa pagkamit ng mga layunin sa pag-aaral at tiyak na matulongan ang mga pag-aaral na makamit ang mga ito. Para sa isang guro, ang pagiging malikhain ang mahalagang bagay upang maging maayos at epektibo ang pagtuturo. Nakasaad dito ang pagbibigay ng natatanging motibasyon sa mga bata para sakanilang pag-aaral at pati narin ang pag-optimize ng mga makabagong paraan na higit na malayo sa traditional na pamamaraan. Karagdagan pa rito ay ang pagiging maparaan sapagkat makakatulong ito para maibsan ang kakulangan sa mga materyales sa pag-aaral. Kung kaya’t ang bawat guro ay dapat humanap ng paraan para ang lahat ng mga pagsubok sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay mabigyan ng solusyon. Subalit, hindi lamang ang guro ang responsable sa paglutas ng lahat ng mga pagsubok sa matagumpay na pagpapatupad ng polisiyang MTB-MLE, kung kaya ay dapat maging tugma para sa mga mag-aaral ang mga materyales na kanilang ginagamit. Dapat ay magkaroon ng mga propesyonal na siyang gagawa ng mga materyales sa pag-aaral na tutugma sa mga kailangan at pag-aaral ng mga bata at ito rin ang magbibigay daan upang maging sapat at epektibo ang mga materyales sa pag-aaral ng bawat mag-aaral. Higit sa lahat, makakatulong rin ito upang mabawasan ang mga gawain ng mga guro at sila ay makapocus sa kanilang pagtuturo.


2. Gumagamit ng iba't ibang estratehiya upang matulungan ang mga mag-aaral na matuto nang epektibo. Ang bawat estratehiyang ginagamit ng mga guro ay isa sa mga essential na parte ng proceseso ng pagtuturo, ito ang mga bagay na makakasiguro sa pagtamo sa mga layunin at pagbibigay solusyon sa mga pangangailangan sa pagkatatuto ng bawat mag-aaral. Higit sa lahat, sa paggamit ng mga iba’t-ibang uri ng estratehiya sa pagtuturo ay magbibigay buhay sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, ito ay isang paraan upang mapataas ang aktibong interaksiyon sa loob ng silid-aralan kung kaya’t ito ang magbibigay daan sa pagtupad at pagkamit sa bawat layunin para sa mga mag-aaral. Subalit ayon kay Mawer (1997), walang isang natatanging estratehiya ang angkop sa iba’t ibang uri ng pagtuturo, kung kaya’t nakasalalay sa bawat guro kung paano magiging epektibo ang kanilang paguturo. Gayunpaman, ang mga sumusunod ay mga estratehiyang iminumungkahi upang makatulong sa mga mag-aaral na matuto ng epektibo.

Una, isang “summer reading class” . Isa sa mga layunin ng polisiyang MTB-MLE ay mabigyan ng solusyon sa mataas na datos ng kamangmangan at mga mag-aaral na hindi marunong magbasa, ang estratehiyang nabanggit ay isang natatanging paraan upang matulongan ang problema sa edukasyon na mga nabanggit sa itaas, mabibigyan nito ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang kanilang matutunan ang pag-babasa at pag-intindi sa kanilang binabasa. Ang “summer reading class” ay isang oportunidad para mas makilala pa ng mga guro ang mga mag-aaral, mapansin at paunlarin ang mga kakayahan ng mga mag-aaral at higit sa lahat, ito ay magsisilbing pagkakataon upang lubos na maunawaan at mapalago ang kanilang mga kakayahan patungo sa susunod na lebel ng kanilang pag-aaral.

Ikalawa, paggamit ng una at ikalawang lenggwahe ng mga bata. Sa pamamagitan ng estratehiyang ito mas mapapayaman ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa mga aralin, sapagkat kanilang mas mauunawaan ang mga aralin. Ito ay magbibigay daan sa mga mag-aaral upang matutunan ang mga lengwaheng mahirap para sa kanila at pati narin ang tamang paggamit nito.

Ikatlo, direkta at tahasang pagtuturo. Ang estratehiyang ito ay isang natatangi at kapuri-puring paraan ng pagtuturo, sapagkat ang mga mag-aaral ay direktang natututo ng mga kaalaman at kakayahan na kanilang kailangang matutunan. Ang tahasang pagtuturo ng isang guro ay makakaiwas sa mga pagkalito ng mga mag-aaral at makakasigurong matututo sa tamang paraan ang mga mag-aaral.

Panghuli, ang programang ABC+ (Advance Basic Education). Ang nabanggit na programa ay dapat patuloy na ipatupad upang matulongan ang mga mag-aaral na mapabuti ang mga pagkatuto at mapaunlad ang mga tiyak na kailangang kakayahan. Gayunpaman, sa mga iminungkahing estratehiya sa itaas, may ilan na mga maaring hindi maging epektibo sa lahat, ngunit ang isang guro ay dapat na maging mapagmasid sa kanilang mga mag-aaral, kanilang pangangailangan sa pagkatuto. Ang isang guro ay dapat na patuloy na magsiyasat ng mga iba pang estratehiyang kanilang maaaring magamit upang makamit ang mga layunin sa pagkatuto at magkaroon ng mabisang pagtuturo.


3. Pakikilahok ng mga magulang. Sa paglipat ng sistema ng edukasyon sa modular distance learning na kung saan walang interaksyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral, ang aktibong pakikipag-ugnayan ng mga magulang ay mahalaga para sa proseso ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang responsibilidad ng guro ay isasakatuparan muna ng mga magulang tulad ng paggabay at pagpapadali kung paano matututo ang mga mag-aaral kahit limitado o wala ang presensya ng kanilang mga guro. Gaya ng sinabi ni Lebaste (2020), magiging responsable na ang mga magulang sa learning experience ng mga mag-aaral dahil sila ang tutulong sa modular lesson ng kanilang mga anak.

Malaki ang papel ng mga magulang sa edukasyon ng isang bata. Kapag kasangkot ang mga magulang sap ag-aaral ng isang mag-aaral, mas malaki ang pagkakataon ng kanilang tagumpay sa kanilang edukasyon. Sa kadahilanang magulang rin ang nagbibigay ng tahanan at kapaligiran sa kanilang mga anak, ito ay ang nagsisilbing pundasyon ng kanilang unang wika. Kaya naman, dapat ipakilala ng mga magulang sa kanilang anak ang kanilang sariling wika, lalo na ngayong ipinatupad na ng Pilipinas ang patakarang MTB-MLE na kung saan ang mga lokal na katutubong wika ay ginagamit bilang pangunahing wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang sa tatlong taon (K-3).

Ang mga magulang ay dapat na may kaalaman tungkol sa mga epekto ng pag-aaral ng katutubong wika. Dapat nilang ipaalala na ang katutubong wika ng isang tao ay kritikal sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan dahil ito ay nagpapaunlad ng kamalayan sa sarili na sila ay kabilang sa isang lipunan. At ipinapakita sa mga pananaliksik na pinapataas ng mother-togue ang kakayahan sa wika ng isang mag-aaral, natututo ng higit pang nilalamang pang-akademiko, nagpapabuti ng kanilang kahusayan sa Ingles, at may mahusay na nabuong pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sarili. Maaaring suportahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng kanilang sariling wika sa pamamagitan ng pagpakilala sa kanila nito. Kung ang kanilang katutubong wika ay Bikol-Legazpi, ito ay maaaring gamitin sa kaswal na pakikipag-usap sa kanila , maaari din na ipapanood sa kanila ang mga lokal na palabas sa telebisyon o pelikula, at himukin silang magbasa ng mga aklat na gamit ang wikang Bikol-Legazpi. Ito ang ilang bagay na maaaring gawin ng mga magulang, dahil isa sila sa mga taong matagumpay na makakatulong sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang mga guro naman ay dapat na makipag-ugnayan sa mga magulang at tulungan silang maunawaan ang kanilang mga responsibilidad sa paraang modular distance learning. Hikayatin ang mga magulang na makipagtulungan sa kanila upang matugunan ng isang magulang ang kanilang mga kahinaan (kung mayroon man) at masuportahan ang pag-aaral ng kani-kanilang anak.


4. I-maximize ang paggamit ng teknolohiya. Sa patuloy na pagsagawa ng distance learning na naglilimita sa interaksyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral, ang teknolohiya ay isang mabisang paraan upang matugunan ang pagsubok na kinakaharap ngayong pandemya. Lumipat ang mga guro sa mga virtual na silid-aralan at isinama ang teknolohiya sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Kabilang dito ang pagpapadala ng mga materyales tulad ng mga video na pang-edukasyon at iba pang materyal sa pag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang platform (Google Classroom, Messenger, Email, Facebook, atbp.) Makakatulong ito sa mga mag-aaral na makamit ang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang tahanan. Ang mga guro ay dapat na maging mas malikhain dahil ang mga mag-aaral sa panahanon ngayon karaniwan na lamang sa mag-aaral ang paggamit ng teknolohiya. Ayon din kay Alea et.al (2020), ang pagsasama ng teknolohiya sa aralin ay magiging kapaki-pakinabang para sa pagtuturo at pagkatuto tulad ng pagbabahagi ng mga audio presentations, mga printed materials, o visual ngunit dapat din itong naka-ayon sa kaaya-ayang oras ng pag-aral.

Ang interbensyong ito ay maaaring makatulong sa pagpapahusay ng retensyon ng mga mag-aaral. At dahil mahilig sa mga teknolohiya ang mga kabataan, ito ay magiging kapuri-puri na paraan upang tulungan ang pag-aaral ngayong distance learning. Ang mga guro ay maaaring gumamit ng isang video na kasiya-siya at nagbibigay-kaalaman para sa mga mag-aaral. Sila rin ay maaaring magbigay ng mga makukulay at malinaw na e-learning na materials para sa mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkalito at mas mahikayat silang gamitin ang materyal. Gayunpaman, mahalagang tandaan na sa paggamit ng teknolohiya ay mayroon itong malinaw na layunin na makatulong sa mag-aaral. Ang teknolohiyang ginagamit sa pagtuturo ay dapat makatulong sa mga mag-aaral na makamit ang mga resulta ng pagkatuto at makakatulong din sa pagbuo ng mga kinakailangang mga kasanayan. Dapat rin na tandan na ang teknolohiyang gagamitin ay dapat na accessible para sa mga mag-aaral. Kaya bilang isang guro, kailangang isaalang-alang na ang teknolohiya ay angkop para sa mga mag-aaral at para sa mga layunin ng pagkatuto na itinakda.

Higit pa rito, ang teknolohiya ay isang kapaki-pakinabang na kagamitan para sa pakikipag-usap sa mga magulang. Mas mapapadali na maipaalam sa mga magulang ang kalagayan ng kanilang mga anak patungkol sa kanilang pag-aaral, kabilang na rin ang anumang mga pagkukulang na kailangan nilang tugunan. Sa kabilang banda, maaaring makatulong rin sa mga guro ang teknolohiya sapagkat sa pamamaraang ito ay malalaman nila kung paano nag-aaral ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay.

Matutulungan ng teknolohiya ang mga stakeholder sa pagpapatupad ng MTB-MLE policy sa pagtugon sa mga pangangailangan sa pag-aaral, at pagpapabuti ng mga resulta ng pag-aaral.


5. Pagbibigay ng pagsasanay at paghingi ng tulong para sa pagpapabuti ng kaalaman at kasanayan.

Sa teoryang Ecological System ni Bronfenbrenner, ang isang guro na kabilang sa isang microsystem na gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapaunlad at pagsuporta sa pag-unlad ng mga mag-aaral (Guy-Evans, 2020). Kaya, ang isang guro ay dapat magkaroon ng kaalaman at kasanayan upang makapagturo ng mahusay at mabisa. Ang isang paraan upang matuto ng mahahalagang salik na ito para sa pagtuturo ay ang sumailalim sa pagsasanay. Kaya kina-kailangan ng mga guro ang suporta mula sa mga stakeholder upang mabigyan sila ng sapat na pagsasanay para sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman at kasanayan na maaaring makatulong sa matagumpay na pagpapatupad ng programa. Pagsasanay, workshop at seminar; lahat ng ito ay makakatulong sa mga guro na bumuo ng matibay na pundasyon para sa pagtuturo.

Ang panghabambuhay na pag-aaral ay mahalaga para sa pagtuturo, at ayon kay Albor et. al (2021), kailangan ng mga guro na patuloy na matuto at mag-update ng kanilang mga kasanayan. Mahalaga ito upang matugunan ang mga inaasahan sa bagong modalidad ng edukasyon at umangkop sa mga pagbabago nito. Bilang karagdagan, ang pagsasanay ay dapat na binubuo ng mga hands-on na aktibidad na maaaring magamit sa bagong modality ng pag-aaral.

Bukod sa mga pagsasanay at seminar na dapat ibigay sa mga guro, dapat ding may tulong mula sa mga kasamahan na may karanasan sa larangan o mga indibidwal na bihasa sa isang partikular na wika. Ang mga ito ay tinatawag na MKO o more knowledgeable others, na ayon kay Vygotsky, sila ay mga indibidwal na may kasanayan at may higit na pag-unawa sa isang paksa. May mga gurong nahihirapan at nahihirapan sa pagsasalin dahil minsan ay hindi sila pamilyar sa mga termino, mahirap intindihin, o hindi karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap ang mga salita. Samakatuwid, ang iminungkahing interbensyon dito ay marapat na humingi ng tulong mula sa isang mas may kakayahan at kwalipikadong guro upang matulungan sila sa mga bagay na hindi nila gaanong kabisado. Maaaring magtanonh sa ibang mga guro kung paano ang paraan ng pagsalita ng particular na wika, at maaari din na alamin kung ano pa ang mga terminolohiya na maaaring gamitin bilang kapalit ng isang kumplikadong termino para sa mas mahusay na pag-unawa.

Kaya, tulad ng nabanggit sa itaas, ang suporta mula sa mga stakeholder at tulong mula sa mga MKO ay mahalaga para sa pag-unlad ng mga guro. Makakatulong ito sa kanila na mapabuti ang pagpapatupad MTB-MLE policy at matagumpay na mapadali ang pag-aaral.






 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2022 by Interventions to Further Improve the Implementation of MTB-MLE. Proudly created with Wix.com

bottom of page